Welcome to my blog which I use as a personal-but-public travel scrapbook. Here you will find stories and photographs of things peculiar and fabulous, silly and true concerning my travels.

Wednesday, January 12, 2005

Tagaytay Trip With Trixie

10:30am dapat magmi-meet sa ePhil office papuntang Tagaytay. Lahat dumating on time except for Lala -- well, what's new? 11:35 na dumating, ang galing diba? So, 11:45 na kami nakaalis. Dalawang sasakyan kami. Dala ni Joey yung Lancer nya tapos hiniram naman ni Miks yung peuter na CRV sa dad nya. OO, mga pasaway kami...parang mga walang trabaho at talagang nag-lunch-out sa Tagaytay. Eto ang highlight..si Chel may meeting ng 2pm.

Dumating kami sa Tagaytay ng 1:10pm. Sa Josephine kami. Don kami nagpa-setup ng table sa labas...para malapit sa view. We ordered sinigang na hipon, crispy pata, tawilis, bulalo, pakbet at rockefeller oyster (my favorite).

Grabe, ang sarap ng kain namin. The best yung tawilis. Kakagana. P3750 yung bill namin. Sulit.

After namin kumain, syempre picture taking sa may view...




Dumaan kami starbucks to grab some coffee para inumin on our way back to manila. Na-claim ko na yung Starbucks planner ko. yahoo.

Medyo naligaw pa kami. Nag right kami don sa fork instead of making a left - papuntang Sta Rosa. hehe. Tapos pagdating namin ng south express way, super traffic. Nag skyway na kami para medyo mabilis. 4:30 na kami nakabalik ng office. Pasaway!